Pagpapapako sa krus ng mga deboto, ‘di inirerekomenda ng DOH

MANILA, Philippines- Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga deboto laban sa pagpapakasakit o paghampas sa sarili at pagpako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensya ngayong Semana Santa.

Sa media forum, ipinunto ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na ang pangunahing nakukuha ng mga tao sa nasabing aktibidad ay tetanu o impeksyon dahil sa bacteria na tinatawag na Clostridium tetani.

Sinabi ni Vergeire na ang mga tao na may mga sugat ay maari ding makakuha ng impeksyon na magdudulot ng mas malaking pinsala sa katawan. Pasa at pilay ay posible ring makuha kapag ipinako ang mga buto sa kamay at paa.

Pinayuhan ni Vergeire ang mga deboto na gawin ang ibang pagsasakripisyo ngayong Holy Week bukod sa nabanggit na traditional religious practices.

Pinag-iingat din ni Vergeire ang paghalik sa imahe, bagama’t walang paghihigpit tungkol dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Pagpapapako sa krus ng mga deboto, ‘di inirerekomenda ng DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento