Ilang bahagi ng bansa uulanin sa localized thunderstorm

MANILA, Philippines – Iniulat ng PAGASA na ang ridge ng High Pressure Area (HPA) ay makaapekto at sasaklaw sa Hilagang Luzon ngayong Miyerkoles.

Magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at sa buong bansa dahil sa mga lokal na pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng flash floods o landslides sa panahon ng malalakas na pagkidlat-pagkulog.

Sa Hilagang Luzon, makakaranas ng katamtamang bilis ng hangin papunta sa direksyon ng silangan hanggang sa hilagang-silangan na may katamtamang coastal waters.

Makakaranas naman ng magaan hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na papunta sa hilagang-silangan hanggang sa silangan ang nalalabi sa Luzon, habang ang coastal waters naman dito ay magiging banayad hanggang sa katamtaman.

Sa Visayas at Mindanao, magkakaroon ng magaan hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na papunta sa hilagang-silangan hanggang sa hilagang direksyon. Samantala, ang coastal waters ay magiging banayad hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:49 a.m. at lulubog ito ng 6:09 p.m. RNT



Ilang bahagi ng bansa uulanin sa localized thunderstorm
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento