MANILA, Philippines—Nagbigay ang gobyerno ng Canada ng P757 milyong donasyon sa Pilipinas upang magamit sa pagrekober ng ekonomiya, mapabuti ang kalusugan ng mga kababaihan, at matulungan ang mga komunidad sa Mindanao, base sa anunsyo ng kanilang embahada sa Maynila ngayong Huwebes.
Ayon sa Canada, ang donasyon ay para umano sa pitong proyektong pangkaunlaran sa bansa sa susunod na limang taon.
“We support our partners in the government of the Philippines, civil society and multilateral agencies in rolling out a wide range of programs to mitigate the effects of the pandemic and jump-start the economic recovery of those who have been adversely affected by this global crisis,” saad ni ambassador Peter MacArthur.
Aniya, kabilang dito ang mga hakbangin sa edukasyon ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao pati na rin sa Taguig at Pateros sa Manila.
Samantala, ilulunsad naman ang programa para sa kalusugan ng mga kababaihan sa NCR at mga kalapit nitong probinsya.
Dagdag pa ng embahada, kabilang na rin sa mga hakbangin ang pagpapanatili sa matatag na agrikultura sa BARMM at sa rehiyon ng Davao at ang pagsulong sa gender equality at karapatang pangkababaihan sa buong bansa. RNT/Riza Guarin-trainee
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento