Magkasintahan tiklo sa baril, shabu sa Valenzuela

Manila, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga at kanyang lover matapos makuhanan ng baril at shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na si Rommel Naño, alyas “Omeng” 29, at kanyang lover na si Analiza Bellen, alyas “Liza”, 30, kapwa ng 1134 A. Bernardino St. Brgy. Ugong.

Sinabing dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy-bust operation sa St. Anthony St. Sta. Monica Village, Brgy. Ugong.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang nagpanggap na poseur-buyer.

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P34,000.00; buy-bust money; P500 cash; 2 cellphones; coin pouch; isang cal. 9mm pistol; at magazine na may apat na bala.

Kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 under Article II of RA 9165 at RA 10591 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (R.A Marquez)


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento