2 arestado
P2.5M shabu nakumpiska, 2 arestado

CANDELARIA, Quezon – Arestado ang dalawang suspek matapos makuhanan ng higit sa ₱2.5 milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Marso 31 sa bayang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Malasma Dakila, 42-anyos, residente ng Sitio Bungahan, Brgy. San Isidro at Leon Vernie Montenegro Quitain, 38-anyos, residente ng Sedenio St., Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Batay sa report ng Candelaria-PNP, bandang 11:45 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Barangay Masin, Norte, ng naturang bayan.
Narekober sa mga suspek ang 123.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,523,480 matapos makabili ng 1 pakete ng shabu na aabot sa halagang ₱15,000 ang pulisya.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico
P2.5M shabu nakumpiska, 2 arestado
Source: Filipino Pinoys
2 arestado
P2.5M shabu nakumpiska
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento