DSWD maraming maraming hinihinging papeles sa Paeng victims – Noveleta mayor
DSWD maraming maraming hinihinging papeles sa Paeng victims – Noveleta mayor

NOVELETA, Cavite- Hindi naiwasan madismaya ng isang alkalde sa bayang ito sa pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kabila ng kanilang kinahaharap na kalamidad, mistulang lalo pang nilubog sa baha ang mga residente na naapektuhan ng bagyong Paeng, nitong Miyerkules.
Ayon kay Noveleta mayor Dino Chua, hinihingan ng DSWD ang residente na apektado ng baha sa kani-kanilang mga lugar ng mga dokumento gaya ng certificate of indigency, barangay clearance, at identification cards.
“Ang problema, ang dami pong hinihinging dokumento at papeles. Mga ID, barangay clearance, kung ano-anong indigency. Nabaha nga po tayo,” ani Chua.
“Ang daming nakapila na mga hihingi ng tulong eh halos hindi nakakakuha ‘yung iba dahil ang dami daw hinihinging papeles. Ang sabi ng mga tao, nasa evacuation center kami, paano kami mag pro-produce ng mga dokumento? Binaha nga kami, wala nga kaming naisalba,” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi pa ng alkalde sa pagbisita ni President Ferdinand Marcos Jr., sa kanilang lugar para mamahagi ng relief packs halos 20% lamang ang nakatanggap.
“Ang pumila po noon, sa araw lang na ‘yun ha, nung dumating si Pangulong BBM dito ay kulang-kulang 1,000 tao. Pero ang nabigyan lang ho wala pa sa 200,” ani pa ng alkalde.
Hiniling ng alkalde sa DSWD ang konsiderasyon sa kanilang mga patakaran sa pamimigay ng ayuda tulad ng sinabi ni PBBM na wag pahirapan ang tao at baguhin na nila ang sistema.
Samantala, itinanggi naman ng DSWD ang report na humihingi ang kanilang mga field officers sa mga residenteng apektado ng baha sa Noveleta na magbigay ng certificates of indigency para makakuha ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
“During disaster response, the department took a step further and now only requires the presentation of any identification card of a resident of affected barangays for the processing of grants under [the] AICS program so as to [immediately] extend such assistance in line with President Bongbong Marcos’ directive, with the distribution of grants being conducted in close collaboration with barangay offices.” Pahayag ng DSWD department.
Dineklara ni PBBM ang Calabarzon, Bicol, Western Visayas, at Bangsamoro Region na isailalim sa state of calamity sa loob ng 6-buwan.
Sa huling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council lumabas na mayroon 121 na nasawi na sa bagyong Paeng habang 103 katao ang mga sugatan at 36 ang nawawala. Mary Anne Sapico
DSWD maraming maraming hinihinging papeles sa Paeng victims – Noveleta mayor
Source: Filipino Pinoys
DSWD maraming maraming hinihinging papeles sa Paeng victims – Noveleta mayor
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento