DepEd oks sa blended learning sa 52 public schools simula Nobyembre
DepEd oks sa blended learning sa 52 public schools simula Nobyembre

MANILA, Philippines- Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang naging kahilingan ng 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre.
May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante habang nagkulang naman ang mga silid-aralan.
Hinihintay naman ng DepEd Central Office ang report mula sa mga rehiyon para matukoy kung ilan pa ang mga eskwelahan na magsasagawa ng blended o full distance learning.
“We want to bring the learners back in school but we have to bring them back safely also so that is why under the mandatory DO, we also provided room for exemption depending on the situation,” ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa.
“As the Vice President and Secretary for Education Sara Duterte has mentioned, we are now studying also the possibility of institutionalizing blended learning. Baka isa po yan sa magiging solution natin sa mga shortages natin ngayon,” winika pa ni Poa.
Samantala, maaari namang alisin na ng mga estudyante at guro na dumadalo sa face-to-face classes ang kanilang face masks kahit pa sa loob ng silid-aralan matapos na ihayag ng DepEd na sumusunod sila sa umiiral na national policy na pinapayagan ang optional masking indoors at outdoors sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Since this is voluntary, mapapansin din naman natin kahit yung mga bata parang sanay na rin na may masks so ang bilin natin ay magmask pa rin, hindi naman siguro paglabag yun,” ayon kay DepEd NCR director Dr. Wilfredo Cabral. Kris Jose
DepEd oks sa blended learning sa 52 public schools simula Nobyembre
Source: Filipino Pinoys
DepEd oks sa blended learning sa 52 public schools simula Nobyembre
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento