opsiyonal – DOLE
Pagsusuot ng face mask sa trabaho sa pribadong sektor, opsiyonal – DOLE

MANILA, Philippines- Boluntaryo o hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face mask sa mga lugar ng trabaho sa mga pribadong sektor, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Kasabay nito, nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang Labor Advisory No. 22, Series of 2022, ang “Guidelines on the Voluntary Wearing of Face Marks in Workplaces”.
Ayon kay Laguesma, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gawing opsiyonal ang pagsusuot ng facemask sa indoor settings.
“Ang sinasabi namin diyan, yung wearing even in workplaces shall be voluntary except yung mga identified places,” sabi ni Laguesma.
Ang exempted settings ay ang mga sumusunod:
-
Healthcare facilities,kabilang ngunit hindi limitado sa mga klinika, ospital, laboratories, nursing homes at dialysis clinics;
-
Medical transport vehicles tulad ng ambulansya at paramedic rescue vehicles; at
-
Pampublikong transportasyon.
Gayunman, hinihikayat ang mga nakatatanda, immunocompromised, unvaccinated at symptomatic individuals, indibidwal na may comorbidities, at mga buntis na magsuot ng face mask base na rin sa EO 7.
“Employers and their workers may implement a policy requiring the wearing of face masks, taking into account, among others, the hazards and risks (e.g., enclosed space and poor ventilation), industry requirements (e.g., food safety), and incidence of other communicable diseases (e.g., flu and tuberculosis), including measures to address non-compliance thereto pursuant to the company policy, rules and regulations,” binanggit sa labor advisory.
Umaasa naman ang kalihim na magkaroon pa rin ng pagtupad at pagsunod sa kondisyon o requirements na makakatulong upang matiyak na pangunahin ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.
Aniya ang abiso ay magiging epektibo kapag inilabas at inirelease na ng DOLE bagaman kinikilala aniya ng Kagawaran na karaniwang naglalabas ng kaukulang memorandum ang mga pribadong kompanya para sa kanilang mga empleyado.
Sa mga malls, sinabi ni Laguesma na dapat silang sumunod sa abiso ng DOLE o hintayin ang kautusan mula sa local government.
Samantala, ang mga government workplaces ay kailangang maghintay ng anumang utos mula sa Civil Service Commission tungkol sa usapin, ayon sa DOLE. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Pagsusuot ng face mask sa trabaho sa pribadong sektor, opsiyonal – DOLE
Source: Filipino Pinoys
opsiyonal – DOLE
Pagsusuot ng face mask sa trabaho sa pribadong sektor
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento