Tigok sa COVID, higit 5.1M na – AFP tally

MANILA, Philippines – Kumitil na ng 5,113,287 indibidwal ang Coronavirus Disease 2019 simula nang outbreak nito sa Tsina noong Disyembre 2019, ayon sa  datos ng official sources na inipon ng AFP.

Umabot na rin sa 254,298,140 COVID-19 cases sa buong mundo ang naitatala.

Karamihan sa mga ito ay nakarekober na, ngunit ang iba ay nananatiling nakararamdam ng sintomas ilang linggo o buwan matapos gumaling.

Ayon sa World Health Organization ang datos ukol sa COVID-19 ay mas mataas pa ng dalawa hanggang tatlong beses dahil sa mga kasong hindi naitatala nang pormal.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa pinakatinamaan ng COVID-19 sa 765,913 patay mula sa 47,311,015 cases.

Sumunod dito ang Brazil sa 611,478 patay mula sa 21,965,684 cases, India sa 464,153 patay mula sa 34,466,598 cases, Mexico sa 291,241 patay mula sa 3,847,243 cases, at Russia sa 259,084 patay mula sa 9,182,538 cases. RNT



Tigok sa COVID, higit 5.1M na – AFP tally
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento