2 vintage bomb nahukay sa Cavite

MANILA, Philippines – Maingat na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb na natagpuan sa San Nicolas Shoal, Cavite sa isinasagawang soil sampling operation doon.

Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog.

Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar.

Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa nasabing bisinidad ng baybayin sakay ng PCG vessel 271 at Metal Shark 1102 upang nagsagawa ng safety explosive handling procedure upang maiwasan ang pagsabog.

Nang makuha ang bomba dinala ito sa tamang lokasyon ng disposal sa Manila upang naiwasan ang anumang panganib. Jocelyn Tabangcura-Domenden



2 vintage bomb nahukay sa Cavite
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento