DILG: Negosyong pasaway sa capacity limit
DILG: Negosyong pasaway sa capacity limit, pag-tsek ng vax card ipasasara!

MANILA, Philippines – Kapag paulit-ulit ang magiging paglabag, maaaring mapawalang-bisa ang safety seals at masuspinde ang business permit ng mga establisimyentong sasalungat sa health at safety protocols.
Sinabi ni Interior Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na kapag ang isang establisimyento ay may “repeated violations” sa gitna ng banta ng COVID-19 ay maipapasara ang kanilang establisimyento.
Nakarating kasi sa kaalaman ng DILG ang mga paglabag sa operational capacity limit at pagkabigo na magpatupad ng fully vaccinated requirement sa loob ng mga establisimyento gaya ng restaurants, amusement parks, recreational venues, fitness studios, at gyms, at iba pa.
Ani Malaya, personal niyang naobserbahan ang kawalan ng paggalang ng mga establisimyento sa minimum public health standards at iba pang guidelines sa ilalim ng alert level system.
“Many restaurants and indoor establishments are not checking the vaccination status of their customers and are violating the 50 percent operational capacity for indoor establishments and 70 percent operational capacity of outdoor establishments,” ayon kay Malaya sa Laging Handa briefing.
“We cannot be complacent at this time. Even if cases are going down and vaccination is going up, we cannot put our guard down. Look at Europe, their vaccination rate is high but they are now undergoing a new surge. Vigilance will prevent another surge,” dagdag na pahayag nito.
Ang safety seal program ay isang inter-agency initiative ng DILG, Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, at Department of Tourism.
Ang safety seal ay kailangan na nakapaskil sa public at private establishments o gusali para patunay na sumusunod sila health protocols laban sa Covid-19.
“Sa mga establisyimento pong mapapatunayang hindi sumusunod sa mga polisiyang ito ay puwede pong ma-revoke ang kanilang safety seal. ‘Pag na-revoke po ang safety seal na ibinigay sa inyo ng issuing authority ay mawawala po ‘yung inyong additional 10 percent additional capacity, operational capacity; at kung mayroon pong tinatawag na repeated violations ay ang DILG na po mismo ang magrirekomenda ng suspensiyon ng inyong business permit,” babala ni Malaya.
Ang lahat ng local government units at ang Philippine National Police ay kinakailangan na magsagawa ng inspeksyon sa mga establisimyento upang matiyak na sumusunod ito sa Covid-19 guidelines at para sa LGUs na magpalabas ng show cause orders laban sa mga lalabag.
Hinikayat din nito ang publiko na magreport ng mga lalabag sa health at safety protocols. Kris Jose
DILG: Negosyong pasaway sa capacity limit, pag-tsek ng vax card ipasasara!
Source: Filipino Pinoys
DILG: Negosyong pasaway sa capacity limit
pag-tsek ng vax card ipasasara!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento