Philippines news
Taguig pumangalawa sa may pinakamataas na COVID incidence rate sa NCR

MANILA, Philippines – Pumangalawa ang lungsod ng Taguig sa coronavirus disease o COVID-19 incidence rate sa buong National Capital Region (NCR) sa nakaraang pitong araw.
Ito ay napag-alaman kay Dr. Guido David ng OCTA Research bunsod sa nailathala ng NCR COVID-19 update kamakalawa (Oktubre 21) na ibinase sa Data Prop ng Department of Health (DOH).
Base sa nabanggit na data, ang Taguig ay nag-aaverage ng daily attack rate (ADAR) na 11.68 bagong kaso sa araw-araw sa bawat 100,000 mula Oktubre 15 hanggang 21 na inilagay ng OCTA Research sa klasipikasyon na high risk.
Ito ang ikalawang pinakamataas sa NCR sa nabanggit na panahon na pinangunahan ng San Juan na mayroong 13.58 bagong kaso sa araw-araw sa bawat 100,000.
Ayon sa OCTA Research, nakapagtala ang Taguig ng 102 na arawang average ng bagong kaso mula Oktubre 15 hanggang 21, ang ikatlo sa pinakamataas sa NCR ngunit ang isang linggong growth rate nito ay bumaba ng 44 porsiyento mula Oktubre 8-14 hanggang Oktubre 15-21.
Base pa rin sa report ay nakapagtala ang Taguig ng infection rate o reproduction number na 0.49 na pumangatlo naman sa pinakamataas sa Metro Manila samantalang ang health care utilization ay may 29 porsiyento habang ang intensive care unit (ICU) naman ay mayroong 38 porsiyento.
Ayon pa sa OCTA Research, ang seven-day average ng mga bagong kaso sa Metro Manila ay patuloy na bumababa hanggang 1,044 habang ang bilang ng reproduction ay bumaba din sa 0.46. James I. Catapusan
Taguig pumangalawa sa may pinakamataas na COVID incidence rate sa NCR
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Taguig pumangalawa sa may pinakamataas na COVID incidence rate sa NCR
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento