1
1,400 drug addicts, nagtapos sa SANLAKBAY

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila na mahigit sa 1,400 na mga nalulong sa illegal na droga ang nagtapos sa SANLAKBAY.
Ang SANLAKBAY ay isang drug rehabilitation program ng Archdiocese para sa mga nais magbagong buhay na mga drug addicts at nais makabalik sa lipunan bilang isang responsableng mamamayan sa pamamagitan na rin ng pagtutulungan ng Simbahan, mga ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang grupo ng mga indibidwal.
Sinabi ito ng pari na siya ring nangangasiwa sa programang SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay kaugnay na rin sa nakatakdang paggunita ng ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag sa inisyatibo ng arkidiyosesis bilang tugon sa problema ng iligal na droga sa bansa.
Itinatag ito noong 2016 sa pamumuno ng noo’y arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luis Antonio Tagle kung saan ngayong ay umabot na sa kabuuang 1,417 drug addicts ang sumailalim sa programa na natulungan at nagabayan ng Sanlakbay.
“Sanlakbay is pastoral accompaniment designed primarily for people who uses illegal drugs. Ever since its conception since 2016, there had been 1,417 drug addicts who enrolled in the program. This was not easy. Trust among stakeholders need to be established. Despite the many challenges, Sanlakbay became the opportunity for the Church, the government and different civilian groups become united towards a common goal.” bahagi ng mensahe ni Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz.
Ayon sa Pari, sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic ay payak na ipagdiriwang ng arkidiyosesis ang pagkakatag sa programang SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang payak na pagdiriwang sa pamamagitan ng isang banal na misa sa Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo.
Tema ng ikalimang anibersaryo ng Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay ang “Sana All Kapag Tulong-tulong may Pagsulong” na layuning bigyang diin ang patutulungan ng iba’t ibang sektor at institusyon sa lipunan upang mapanumbalik ang tiwala at kapanatagan na kinakailangan para makapagbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na gamot o iligal na droga.
Inaasahan rin ang pakikibahagi sa paggunita ng ikalimang anibersaryo ang ilang opisyal ng Archdiocese of Manila gayundin mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine National Police na pawang nakatuwang ng arkidiyosesis upang maisakatuparan ang misyon ng Sanlakbay na magkaloob ng ang rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden
1,400 drug addicts, nagtapos sa SANLAKBAY
Source: Filipino Pinoys
1
400 drug addicts
nagtapos sa SANLAKBAY
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento