Lovi, handa na sa Hollywood project, lumipad na sa Amerika!

Manila, Philippines – Gorabel ang byuti ni Lovi Poe sa Amerika para sa kanyang kauna-unahang international movie na gagawin, ang “The Chelsea Cowboy” kung saan ay makakasama niya ang mga Hollywood actors na sina Alex Pettyfer and Poppy Delevingne.

Isang biofilm ang “The Chelsea Cowboy” at ang papel ng sikat na British blues singer na si Dana Gillespie ang role na gagampanan ni Lovi.

Una na munang natanguhan ni Lovi ang alok na international movie bago siya pumirma na maging isang Kapamilya talent kaya go na muna sa Amerika ang byuti niya bago sumabak sa taping ng kanyang kauna-unahang seryeng gagawin sa Dos.

At dahil isang biography movie ang pelikulang gagawin sa Hollywood, ang unang inaral ni Lovi bago pa man ang galawan ng kanyang karakter na si Dana, ay ang accent ng nasabing British singer.

“Aside from making sure I am fully aware of who I am playing, I will do my best na mabigyan ng hustisya because she’s an icon. Nagpre-prepare ako ng maayos. I will be playing a role with a different accent so that’s something I look forward to. Just trying to make sure that I get there prepared,” say ni Lovi.

Say pa rin ni Lovi, hindi niya inaakalang magkakaroon siya ng international project dahil sa isang tawag na ‘di niya masyadong sineryoso.

“One of the producers and the writer of ‘The Chelsea Cowboy’ reached out to my management and asked me to read for the part. It was as simple as that. I read for the part, forgot about it and a few weeks after, it happened,” ang dagdag na say ni Lovi. Wally Peralta



Lovi, handa na sa Hollywood project, lumipad na sa Amerika!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento