Eksperto sa publiko sa pagbaba ng COVID case: ‘Wag pakampante masyado

Manila, Philippines – Nagbabala ang eksperto sa publiko laban sa ‘cautiously optimism’ habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID.

“Kailangan natin sabihin sa publiko, na we can be optimistic pero cautiously, cautiously optimistic kasi still, 4,000 ay way beyond ng previous peaks natin,” saad ni Prof. Jomar Rabajante ng  University of the Philippines COVID-19 Pandemic Response Team sa TeleRadyo.

 “Kasi kung titingnan natin yung peak natin nung, kung matatandaan niyo nung 2020, nasa ano tayo doon, around 4,500–almost the same ngayon. So nandoon pa rin tayo sa level na, nasa thousands.”

“Thousands—maraming buhay pa din yan,” dagdag pa nito.

Aniya, nakikita ang pagbaba ng COVID trend ngunit ang ilang nagpopositibong kaso ay hindi agad naitatala sa DOH database.

“If titingnan lang natin yung trend, definitely makikita natin yung mga metrics na tinitingnan namin, pababa ang mga kaso. So tinitingnan natin yung cases declining siya, positivity rate, declining, yung ating hospitalization, national aggregate declining din.”

“Although gusto kong sabihin… yung actual number definitely, yung naririnig natin na mga 4,000 cases per day we don’t know actually if yun yung totoong number ‘no, kasi may mga ibang lugar na antigen test yung ginagamit, posibleng hindi pa narerecord,” saad pa ng eksperto.

“For example, in Puerto Princesa, in Palawan, meron silang 66 new antigen positive nung October 21, then 12 new RT-PCR positive so makikita niyo yung dami ng antigen test na ginamit. But definitely kailangan ivalidate pa yun, pero posibleng hindi ito narerecord sa DOH data drop.”

“Hindi lang dapat tinitingnan yung number ng cases, number ng reported cases. Kailangan din yung hospitalization,”dagdag nito.

“So doon sa hospitals nakikita natin ano tayo ‘no, na nagde-decline, ang ating ICU ay around 2,466 nitong October 20.” RNT/FGDC



Eksperto sa publiko sa pagbaba ng COVID case: ‘Wag pakampante masyado
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento