COVID reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.45 – OCTA
COVID reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.45 – OCTA

MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 0.45 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ngayong Sabado, Oktubre 23.
Ito ang iniulat ng OCTA Research Group mas mababa sa 0.57 na naitala noong Oktubre 18.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng nahahawaan ng isang nagpositibong indibidwal.
Nangangahulugan ng pagbagal sa hawaan ng virus ang reproduction number na mas mababa sa 1.
Kasabay nito, nakapagtala na rin ng seven-day average ng new cases ng COVID-19 ang rehiyon na mas mababa sa 1,000 o nasa 996 na lamang.
“One week ago it was 1762,” pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na mas mababa ng 43%.
Bumaba rin sa 7% mula sa 10% noong nakaraang linggo ang positivity rate sa NCR.
Matatandaan nitong nakaraan ay sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari pang ibaba ang alert level sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagbaba ng COVID-19. RNT
COVID reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.45 – OCTA
Source: Filipino Pinoys
COVID reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.45 – OCTA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento