2 LPA sa PAR namataan

MANILA, Philippines – Dalawang low pressure area ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw, Oktubre 23.

Ito ang impormasyon mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung saan ang unang LPA ay namataan sa layong 75 kilometro timog silangan ng Tacloban City at nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Ang ikalawang LPA naman ay namataan 100 kilometro kanluran, timog kanluran ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.

“Itong dalawang LPA na ito ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM,” pahayag ni PAGASA weather specialist Grace Castaneda.

Tinitingnan pa kung ito ba ay lalakas at magiging isang bagyo sa mga susunod na oras. RNT



2 LPA sa PAR namataan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento