mas lumilinaw – DILG
Posibilidad ng Alert Level 2 sa NCR, mas lumilinaw – DILG

MANILA, Philippines – Mas lumilinaw ang posibilidad ng pagsasailalim ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 kung magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ito ang nakikita ng Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong Sabado.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nagpapatuloy ang downward trend sa COVID cases sa NCR kung saan ang average daily cases ay nasa 1,500 hanggang 1,600 na lamang mula sa mahigit 10,000 noong magkaroon ng surge.
“Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1000, baka pwede,” ayon kay Densing.
Bumaba rin umano ang intensive care unit bed utilization rate sa Metro Manila na mayroong 49% at sa buong bansa naman na mayroong 56%.
“’Yung health care utilization rate ng National Capital Region less than 50 percent na lang. ‘Yung ICU bed, less than 60 percent, halos nandoon na siya sa low risk, moderate risk level at ang kadahilanan nito ay ang bakuna,” ani Densing.
Hiling ni Densing sa publiko, ipagpatuloy ang pagkakaroon ng disiplina sa pagsunod sa health and safety protocol upang maipagpatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
“Kaya kung magdidisiplina tayo lahat at hindi na kumalat ‘yung COVID-19 at bakunado tayong lahat, mag-iimprove ang ating health care capacity, baka hindi malayo ang posibilidad na mag-alert level 2,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 3 ang alert level system sa Metro Manila at magtatagal hanggang Oktubre 31. RNT
Posibilidad ng Alert Level 2 sa NCR, mas lumilinaw – DILG
Source: Filipino Pinoys
mas lumilinaw – DILG
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Posibilidad ng Alert Level 2 sa NCR
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento