P16.5B dagdag sa DTI para sa MSMEs, hirit ng mga mambabatas

MANILA, Philippines – Nais ng ilang mga mambabatas na padagdagan ng P1.6 bilyon ang P23.7 bilyon pondo ng Department of Trade and Industry para sa 2022.

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 2228, apat na mga mambabatas ang nagsabi na sa kakarampot na budget ng DTI, makukumpromiso nito ang para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Inihain nina Deputy Speaker on Trade and Industry Wes Gatchalian, House committee on trade and industry chair John Reynald Tiangco, Quezon 2nd district rep. David Suarez at Marikina City rep. Stella Quimbo ang naturang resolusyon.

“There is a critical and urgent need to increase the budget of the DTI, its attached agencies, and the SB Corp. for fiscal year 2022 in the amount of P1,623,500,000 to protect our country’s economic heart and serve the MSMEs severely affected by the pandemic,” paliwanag ng mga mambabatas.

Sa hirit na dagdag pondo, maaari na umanong masuportahan ng DTI at mga attached agencies ang mga registered at unregistered micro enterpreneurs sa pamamagitan ng mga pautang na karaniwang hindi narereject ng karamihan sa mga bangko.

Pwede na rin umano itong gamitin para sa technology literacy.

Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na mayroon pang nasa limang bilyon piso na pondo ang ahensya mula sa natitirang badyet ng Bayanihan 2 at ng ahensya. RNT



P16.5B dagdag sa DTI para sa MSMEs, hirit ng mga mambabatas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento