114 pulis patay sa COVID

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng isa ang nasawi sa COVID sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kung kaya’t umabot na ang kabuuang bilang nito sa 114.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, ang pinakabagong nasawi ay 34-anyos na police corporal na nakatalaga sa Western Visayas.

Sinabing dumaranas ito ng metastatic adenocarcinoma cancer sa buto noon pang nakaraang taon at nagpositibo sa COVID noong Setyembre 13.

Pumanaw naman ito noong Setyembre 19.

“My heartfelt condolences to the bereaved family of the police personnel,” ani Eleazar

Samantala, naitala naman ang 152 bagong kaso ng COVID kung saan ang kabuuan nito ay nasa 38,618 na.

Nakarekober na ang 36,260 pulis habang binabantayan pa ang 2,244 aktibong kaso. RNT/FGDC



114 pulis patay sa COVID
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento