2 binatilyo, pisak sa pick-up

BUTUAN CITY – Pisak ang dalawang binatilyo makaraan pumailalim ang mga ito sa pick-up truck nang mabangga ang minamaneho nilang motorsiklo, iniulat kahapon, Setyembre 20 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Justin Menendez Hernandez, 17 anyos, at angkas nitong si Hervic Menedez Fernandez, 16 anyos, lalaki, estudyante, kapwa residente sa P-8, Brgy Langkilaan Trento Agusan Del Sur.

Nasa kustodiya naman ng Trento-PNP, ang suspek at driver ng pick-up na kinilalang si Donald Laput Baylen, 60 anyos, at residente sa Barangay 9 Lot 2, CDE Subd. Cabantian Davao City.

Batay sa report ng Trento-PNP, naganap ang insidente sa national highway -Purok 8 Brgy Langkilaan, Trento Agusan del Sur.

Lumaba sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima habang minamaneho naman ng suspek ang Nissan pick-up at pagdating sa lugar bigla na lamang nabundol ni Baylen ang mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, pumailalim ang motorsiklo at ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property ang suspek. Mary Anne Sapico



2 binatilyo, pisak sa pick-up
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento