Kabataan sa NTF-ELCAC: “‘Di krimen ang pagiging aktibista”

MANILA, Philippines – Sinalag ng Kabataan Partylist ang mga alegasyon sa cancellation petition ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) upang kanselahin ang kanilang registration sa Comelec.

Tinawag ng grupo na ‘plain and brazen red tagging’ at ‘illegal act’ upang patahimikin ang mga kumukontra sa pamahalaan, ang naging hakbang na ito ng NTF-ELCAC.

Nakitaan ng Kabataan Partylist ng mga hindi substansyal na akusasyon ang 33-pahinang petisyon na inihain laban sa kanila.

Kasama na doon ang paratang na sila ay kunektado sa CPP-NPA, ayon sa grupo, hindi sila kunektado sa naturang grupo.

“NTF-ELCAC is a mere task force that does not even posses a juridical entity of its own… At most, NTF-ELCAC’s interest is a generalized grievance shakily standing on fanciful speculations and fabricated evidence,” pahayag ng Kabataan.

Wala rin umanong ngipin ang NTF-ELCAC para sampahan sila ng reklamo.

“Not being a real party in the interest, petitioner NTF-ELCAC should also not be allowed to commence the suit.”

“The power to sue and be sued not being expressly included in its powers, NTF-ELCAC has no capacity to sue for the cancellation of respondent’s registration with the commission,” dagdag pa ng grupo. RNT



Kabataan sa NTF-ELCAC: “‘Di krimen ang pagiging aktibista”
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento