Lola buwal, 7 araw na sanggol sapul ng COVID sa Bulacan

BULACAN – Patay ang isang 68 anyos na babae at 24 indibiduwal ang tinamaan kabilang ang pitong araw na lalaking sanggol sa COVID-19 sa bayan ng Bulakan ng lalawigang ito.

Sa update ng Municipal Health Office (MHO) bandang 11:00 ng gabi nitong Setyembre 20, nakilala ang namatay na senior citizen na si Patient number 2345 residente ng Brgy. Taliptip.

Nabatid na si Patient 2345 ay nadala sa ospital, na-swab at namatay nitong Setyembre 18, taong kasalukuyan.

Nalamang ang namatay na pasyente ay may iba pang karamdamam.

Tinamaan naman ng virus ang 24 indibiduwal na sina Patient 2336 hanggang kay Patient 236 kabilang ang sinasabing sanggol na si Patient 2354 ng Brgy. Tibig.

Sampu naman ang naitalang gumaling sa parehong petsa na pasyente mula sa ibat-ibang barangay.

Patuloy ang payo ng kinauukulan na manatili sa bahay kung hindi importante ang lakad, ugaliing magsuot ng face mask, face shield, palagiang maghugas ng kamay, magsanitize at panatihin ang isa hanggang dalawang metro ang layo sa kapwa. Dick Mirasol III



Lola buwal, 7 araw na sanggol sapul ng COVID sa Bulacan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento