Philippines news
Roque bumwelta kay Drilon

Manila, Philippines – sinabihan ni Presidential spokesperson Harry Roque si Senate Minority Leader Franklin Drilon na huwag gumamit at bumaling sa name-calling at ituon ang atensyon sa isyu na may kinalaman sa di umano’y overpriced medical supplies at personal protective equipment (PPE) para sa pandemiya.
Binatikos kasi ni Drilon si Roque nang hilingin ng huli sa senador na magpaliwanag ukol sa pagbili ng PPEs noong panahon ng Aquino administration.
Para kasi kay Sec. Roque, mas mataas ang presyo sa pagkakabili ng PPEs noong nagdaang administrasyon kumpara sa Duterte administration.
Inihalintulad ni Drilon si Sec. Roque sa isang “troll” at sinabing ang pahayag ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte ay “malicious,” “unmanly,” at “desperate” attempt para i- divert ng atensyon mula sa di umano’y overpriced medical supplies.
“Hindi kita stan, Senator Drilon. Ang issue ay overpricing, eh natural ang titingnan natin ay magkano ‘yung biniling exact same PPE ng nakalipas na administrasyon. Lumalabas na wala naman palang overpricing,” ayon kay Sec. Roque.
“So focus na lang tayo sa tunay na issue, nasaan ang overpricing? Wala. Let’s leave it at that,” dagdag na pahayag nito.
“Sana kung tayo ay magdedebate, pag-usapan na lang natin ang facts, tama na ‘yang kung anu-anong pangalang ginagamit. Mukhang hindi niyo naman naintindihan kung ano ibig sabihin ng troll,” pagpapatuloy ni Sec. Roque.
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na bumili ng mas mahal na personal protective equipment (PPEs) ang nagdaang administrasyon kung saan nagkakahalaga ng mula P3,500 hanggang P3,800, habang ang Duterte administration ay P1,950.
“Hindi ko naman sinasabi na ‘yung P3,500 ay overpriced. Definitely what I’m saying is P1,950 is not overpriced given that noong hindi pa masyadong matagal na panahon ay bumili sila ng P3,500 at P3,800.”
Sa ulat, kinwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) dahil sa pagbili nito ng PPEs mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp. na aniya’y markado sa Taiwanese government dahil sa financial fraud.
Setyembre 2020 nang ipag-ingay na ni Senador Drilon ang ginawang pagbili ng pamahalaan ng medical supplies, na di umano’y overpriced ng P415.2 milyong piso. Kris Jose
Roque bumwelta kay Drilon
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Roque bumwelta kay Drilon
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento