Philippines news
PNP naka-heightened alert sa ‘ber’ months

Manila, Philippines — Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar ang mga pulis na mas maging mapagmatyag ngayong “ber” months na hudyat ng pagdiriwang ng Pasko.
Ito aniya ay dahil sa tumataas ang krimen tuwing sasapit ang holiday season.
“Hindi man katulad ng dati kung saan ramdam ang pagpasok ng “ber” months dahil sa hinaharap nating pandemya, mananatiling naka-alerto ang inyong PNP sa pagbabantay sa ating mga kababayan lalo na sa lugar na dating tambayan kung saan maaaring magbaka-sakali ang mga snatcher at iba pang mga pasaway sa lipunan gaya ng palengke lalo na ang Divisoria at iba pang mga lugar,” saad ni Eleazar.
“Subalit pangunahin pa ring tututukan ng inyong kapulisan ang pagpapatupad ng mga public health safety protocols dahil sa kabila ng mga pagsubok na ating hinaharap, mahalaga pa rin na ligtas at magkakasama ang bawat pamilyang Pilipino sa kanilang mga tahanan tungo sa pagdiriwang ng kapaskuhan.” RNT/FGDC
PNP naka-heightened alert sa ‘ber’ months
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
PNP naka-heightened alert sa ‘ber’ months
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento