3-week hard lockdown vs COVID-19 spike ‘di ‘doable’ – Palasyo

Manila, Philippines – Mahihirapan kung magpapatupad ng tatlong linggong hard lockdown sa ilang lugar upang maagapan ang pagkalat at pagdami ng kaso ng COVID, batay sa Malakanyang.

“Sa ngayon po parang hindi po doable ‘yan dahil nakikita naman po natin na ayaw nating lalo pang dumami ang hanay ng mga nagugutom,” ayon kay Palace spokesman Harry Roque.

“We are aiming for total health, bawasan ang pagdami ng kaso, bawasan ang hanay ng mga nagugutom.”

Samantala, magpupulong naman ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 bukas, Buyernes.

“Isinasapinal na po ‘yan, so abangan na lang natin.”

 “I will make the necessary announcement ‘pag natapos na po,” lahad pa nito. RNT/FGDC



3-week hard lockdown vs COVID-19 spike ‘di ‘doable’ – Palasyo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento