US kaisa ng Pinas vs intimidasyon ng Tsina sa S. China Sea US State Dept official

MANILA, Philippines- Kaisa ng Pilipinas ang United States sa harap ng harassment ng Chinese coast guard sa South China Sea at naaalarma sa “intimidation” ng Beijing, ayon sa senior US official nitong Martes.

Inakusahan ng Pilipinas ang Chinese coast guard nitong Biyernes ng “dangerous maneuvers” at “aggressive tactics” sa South China Sea, sa panibagong maritime confrontation sa pagitan ng dalawang bansa. Sinabi ng China na nagsagawa ng “deliberate provocative moves” ang Philippine vessels.

“We remain deeply concerned by (China’s) continued intimidation and harassment of Philippine vessels as they continue to undertake really routine patrols within the Philippine exclusive economic zone,” ani US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel J. Kritenbrink sa isang teleconference mula sa United States.

“Such actions and behavior on the part of Beijing are truly unacceptable.”

Sinabi rin ni Kritenbrink na kinikilala ng United States at partners nito ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan sa Taiwan Strait.

Pinagtibay ng Pilipinas at ng Estados Unidos nitong Lunes ang security alliance sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marka ng pag-igting ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, na kapwa gumagawa ng paraan upang pigilan ang agresibong aksyon ng China sa Taiwan at sa the South China Sea.

Sinabi ni US President Joe Biden kay Marcos nitong Lunes na ang US commitmentsa pagdepensa nito sa treaty ally ay “ironclad.” Inihayag naman ni Marcos na ang rehiyon ay mayroong “arguably the most complicated geopolitical situation in the world right now.” RNT/SA



US kaisa ng Pinas vs intimidasyon ng Tsina sa S. China Sea – US State Dep’t official
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento