4 utas sa Thailand shooting

Patay ang apat na tao sa pamamaril sa Khiri Rat Nikhom district sa lalawigan ng Surat Thani sa Timog Thailand noong Sabado.

Iniulat ng lokal na media na patuloy pa rin ang paghahanap ng mga pulis sa suspek.

Mataas ang antas ng pagmamay-ari ng baril sa Thailand, at mayroon nang ilang insidente ng karahasan sa nakaraang taon, kabilang na ang isa sa mga pinakamamatay na pag-atake sa kasaysayan noong Oktubre 2020, kung saan pinatay ng isang dating pulis ang 36 na tao, 24 sa kanila ay mga bata. RNT



4 utas sa Thailand shooting
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento