2nd gold ng PH sa SEA Games sinungkit ni Angel Gwen Derla

PHNOM PENH, Cambodia – Inangkin ni Angel Gwen Derla ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games sa pamamagitan ng paghahari sa Cambodian martial arts ng kun boktor noong Huwebes.

Umiskor si Derla ng 8.50 para talunin ang home bet na si Chanchhorvy Puth [8.47] para makuha ang gintong medalya sa isa sa mga katutubong sports na ipinakilala ng mga organizer ng Cambodian sa kanilang pagho-host ng SEA Games.

Ang 19-anyos na si Derla, isang pencak silat practitioner, ay isa sa mga atletang Pinoy na tinawag na makipagkumpetensya sa kun boktor.

Agad namang pinuri ni Philippines Sports Commission Chairman Richard Bachmann ang atleta at sinabing nagbubunga na ang pinaghirapan ng mga atletang Filipino.RICO NAVARRO



2nd gold ng PH sa SEA Games sinungkit ni Angel Gwen Derla
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento