Crossovers kampeon sa PVL; Creamline nakahanap ng katapat

MANILA, Philippines — Hinirang ang Chery Tiggo Crossovers bilang kauna-unahang champions ng professional women’s volleyball league sa country.

Matapos matalo sa unang dalawang set, agad na rumesbak ang Crossovers para talunin ang two-time PVL Open Conference champions sa loob ng five-set thriller, 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 sa Game Three ng Finals na ginanap sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nanguna sa panalo ng Tiggo si Dindin Santiago-Manabat na kumamada ng 32 points para alisin sa trono ang powerhouse Creamline.

Umambag naman ang kanyang nakababatang kapatid na si Jaja ng 26 points na hinirang ding MVP ng liga.

Sa winner-take-all fifth set, agad na umarangkada ang Crossovers ng maagang 7-1 na kalamangang upang ipakitang hindi sila kayang pigilan ng Cool Smashers.

Ang pagkatalo ay ang una ng Creamline sa anim na matches na nauwi sa five sets.Rico Navarro


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento