PPA nagsagawa ng surprise drug test sa 500 tauhan

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Ports Authority (PPA)nitong Martes na nagsagawa ito ng surprise drug test sa 500 personnel bilang bahagi ng pagsisikap na tiyakin ang isang drug-free agency.

Base sa PPA, negatibo lahat ng 500 personnel mula sa Head Office, Port Management Office (PMO) sa National Capital Region (NCR) – North at PMO NCR – South sa drug test.

“Sinisigurado ng PPA na naipapatupad natin ang mga ganitong regulasyon para mapanatili ang kaayusan sa ating ahensya. Sumasalamin sa ginawa nating surprise drug testing ang katapatan ng ating mga empleyado sa pagkakaroon ng malinis at serbisyong may integridad,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.

“Layon din namin maging ligtas ang opisina at magkaroon ang lahat ng healthy lifestyle kahit nasa trabaho,” dagdag niya.

Isinagawa ang drug test noong April 18, alinsunod sa Memorandum Order 04-2016 o “Drug Free Workplace Policy” nito.

Ipinaliwanag ng PPA na base ang nasabing polisiya sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na mandato ang “random drug testing” sa mga opisyal o empleyado ng public o private offices. RNT/SA



PPA nagsagawa ng surprise drug test sa 500 tauhan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento