Mga biktima ng OrMin oil spill
Mga biktima ng OrMin oil spill, tutulungan ng int’l body – DOJ

MANILA, Philippines- Nangako ang isang international organization na magkakaloob ng kompensasyon sa mga naging biktima ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ito ang sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez matapos ang pulong ng oil spill inter-agency committee.
Mismo aniyang ang International Oil Pollution Compensation (IOPC) Funds ang nagbigay ng commitment matapos bumisita sa bansa.
Ang IOPC ang humahawak ng pondo para sa oil pollution damage dulot ng pagtagas ng langis ng mga tanker.
Ayon kay Vasquez, miyembro ang Pilipinas sa convention na bumuo ng IOPC.
Kinakailangan lanang aniya na i-assess muna ng IOPC ang pagiging balido ng claims ng mga biktima.
Sinabi na aniya ni IOPC director Gaute Silversten na agad nitong isusumite sa kanilang principal ang resulta ng kanilang fact-finding investigation para makapagpalabas ng pondo at mabayaran ang mga biktima ng oil spill.
Samantala, sinabi ni Vasquez na ang P&I, bilang insurer ng may-ari ng ang magsasagawa ng retrieval operations partikular ang pag angat ng tanker mula sa ilalim ng karagatan.
Ang MT Princess Empress ay lumubog sa Najuan, Oriental Mindoro nitong February 28 habang ibinibiyahe ang 900,000 liters ng industrial fuel. Teresa Tavares
Mga biktima ng OrMin oil spill, tutulungan ng int’l body – DOJ
Source: Filipino Pinoys
Mga biktima ng OrMin oil spill
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
tutulungan ng int’l body – DOJ
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento