Bulkang Kanlaon muling nag-alboroto; 8 pagyanig, naitala

MANILA, Philippines- Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang maitala ang walong (8) volcanic earthquake nito sa nakalipas na magdamag, iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 km radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Nabatid pa sa ahensya na ipinagbabawal rin ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. Santi Celario



Bulkang Kanlaon muling nag-alboroto; 8 pagyanig, naitala
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento