dumaan sa tamang proseso – SRA acting chief
Pag-angkat ng 440K MT ng asukal dumaan sa tamang proseso SRA acting chief

MANILA, Philippines – Nanindigan si newly appointed Sugar Regulatory Administration (SRA) acting Administrator at CEO Pablo Luis Azcona kaugnay ng kontrobersyal na pag-aangkat sa 440,000 metric tons (MT) ng asukal na ito ay dumaan sa tamang proseso.
Ang pahayag ni Azcona nitong Biyernes, Abril 28 ay ilang sandali lamang matapos ianunsyo ng Presidential Communications Office na itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang acting administrator.
“All that [SRA] did was above board and practically following the procedures,” pahayag ni Azcona.
Matatandaan na patuloy na kinikwestyon ni Senador Risa Hontiveros ang legalidad ng importasyon dahil hindi ito sakop ng naunang mga sugar order ng SRA.
“Hanggang ngayon, naninindigan ako, kasama ng industriya ng asukal: A Sugar Order (SO) is a requirement under the law,” pahayag ni Hontiveros.
“An SRA sugar order is our very imperfect instrument for balancing the welfare of farmers, planters and millers on the one hand and of consumers and food manufacturers, on the other hand, who must also rely on imports to augment the limited supply,” dagdag pa ng senador.
Noong Pebrero ay inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 497 na naglalayong paimbestigahan ng Blue Ribbon committee ang pag-angkat sa 440,000 metric tons ng asukal bago pa ang paglalabas ng Sugar Order No. 6. RNT/JGC
Pag-angkat ng 440K MT ng asukal, dumaan sa tamang proseso – SRA acting chief
Source: Filipino Pinoys
dumaan sa tamang proseso – SRA acting chief
Pag-angkat ng 440K MT ng asukal
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento