Nico malabong makipagkita sa may-ari ng Ms. U busy na sa promo ng Afam!

Manila, Philippines – Ibang klase talaga ang leveling ng Philippine-based Canadian model-actor at host na si Nico Locco. FYi, siya ang naging host ng Miss Universe Extravaganza na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong November 2022. Ang mga tauhan ng JKN Global Group ang pumili sa kanya.

Ang Thai transgender woman at billionaire na si Anne Jakrajutatip ang founder ng JKN Global Group na isang multinational company sa Thailand, pero mas kilala siya ngayon bilang may-ari ng Miss Universe Organization.

Ayon sa Pep.ph, nakilala ni Anne si Nico nang magpunta ang model-actor sa Bangkok noong June 2022 para sa mga proyekto at guesting na ibinigay sa kanya ng JKN Global Group.

Nakita ng JKN ang husay ni Nico bilang host kaya siya ang inimbitahan para maging emcee ng Miss Universe Extravaganza na isang malaking event dahil dinaluhan ng mga nakaraang Miss Universe winners.

Darating sa Pilipinas si Anne sa May  para dumalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa May 13 mgunit sinabi ni Nico na hindi siya sure  kung magkakaroon sila ng bilyonaryang Thai ng pagkakataong magkita nang personal.

“Friends pa rin kami ni Anne, but in terms of my work going forward, medyo malabo dahil sa schedule ko and the fact that she’s based in Thailand.

“So, as of now, I’m sure nakita ninyo, I’m not a part of the roster for Miss Universe Philippines hosting.

“I will be hosting for Mister International Philippines this year, which is a male national pageant, so wala ako this time sa Miss Universe.

“Pero sana next year, I can go back to Thailand and work for JKN, fingers crossed,” sabi ni Nico.

Anyway, si Nico ang lead actor sa Vivamax movie na AFAM.

Ang movie ay tungkol sa dalawang Pinay played by Robb Guinto and Jela Cuenca na sa kagustuhang umangat sa buhay ay pinangarap na magkarelasyon ng afam o foreigner.

“Everyone has the right to choose their partner. And many Filipinas prefer to end up with a foreigner,” sabi ni Nico.

Siguro, busy na rin sa promo si Nico para sa pelikulang Afam kaya malabo na siyang makipagkita kay Anne.

Kasama rin nila sa Afam sina Alexa Ocampo, Katya Santos, Giselle Sanchez, PJ Rosario, at Roi Alonte, directed by Linneth Zurbano. Streaming na ang Afam sa Vivamax on May 5, 2023. JP Ignacio



Nico, malabong makipagkita sa may-ari ng Ms. U, busy na sa promo ng Afam!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento