Ilog Pasig
Ilog Pasig, isasailalim sa rehab para magamit sa transportasyon

MANILA, Philippines – Upang magamit na alternatibong daanan ng mga commuter sa Metro Manila, ang Pasig River ay isasailalim sa rehabilitasyon ng pamahlaaan.
Sa pulong nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Coast Guard District NCR-Central Luzon Commander, CG Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio at CG Lieutenant Commander Michael John Encina ay tinalakay nila ang rehabilitasyon ng Ilog Pasig at disaster preparedness training.
Inilatag sa naturang pulong àng planong pagsasaayos ng Pasig River Ferry upang magamit bilang alternatibong transportasyon ng mga commuters.
Kasama na rin ang pagsasagawa ng Joint Water Search and Rescue Training kabilang ang augmentation sa mga K-9 units ng Philippine Coast Guard (PCG).
Pinag-usapan din ang pagbalangkas ng memorandum of agreement para sa pagbibigay ng serbisyo publiko ng dalawang ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Ilog Pasig, isasailalim sa rehab para magamit sa transportasyon
Source: Filipino Pinoys
Ilog Pasig
isasailalim sa rehab para magamit sa transportasyon
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento