No. 4 most wanted, 1 pa arestado sa QC!

MANILA, Philippines- Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Station 14 (PS14) ang no. 4 Most Wanted Person kahapon.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang suspek na si Alexander Sison, 60-anyos, residente ng Pasong Tamo, Q.C.

Ayon kay PS14 commander PLTCOL May Genio, dakong alas-5:30 ng hapon (Abril 24) nang maaresto ang suspek sa Blk. 6 Lot 7, Servant of Charity HOA, Brgy. Pasong Tamo, ng nasabing lungsod.

Nabatid na si Sison ay nilabasan ng warrant of arrest ni Hon. Marcelino Rodriguez Gonzales II, ng Branch 42 ng Metropolitan Trial Court (MTC) sa kasong paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.

Samantala, naaresto rin ng PS14 bandang alas-9:20 ng umaga sa magkaparehong araw sa Condo 1 Brgy. New Era Q.C. ang isang lalaking kinilalang si Raul Redula, 56-anyos, na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage of Property with Less Physical injuries.

Pinuri naman ni PBGEN Nicolas Torre III ang mga operatiba ngnPS14 at nagpahayag ito na mas paiigtingin pa umano ng QCPD ang kanilang mga operasyon sa pagtugis sa nagtatagong wanted person upang mapanatiling ligtas ang mga mamamayan ng lungsod laban sa anumang uri ng krimen. Jan Sinocruz



No. 4 most wanted, 1 pa arestado sa QC!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento