221 magsasaka sa NegOcc
221 magsasaka sa NegOcc, tumanggap ng titulo ng lupa

MANILA, Philippines- Aabot sa 221 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang naging bagong may-ari ng lupa nang matanggap nila ang kanilang certificates of land ownership award (CLOA) sa Silay City, Negros Occidental 1 mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Ayon sa DAR ang mga lupaing ipinamahagi ay dating pagmamay-ari nina Pacita Gayoso et al., Celina Garcia, Letecia G. ParreƱo, at Florentina Gaston na may Title Numbers na T-9798, 9800, T-9416, 8142, at T-4689 na nakatalaga sa Lot Nos. 853, 672- B, 665- B-2, 755-A-2, at 665-A-1, ayon sa pagkakabanggit.
Ang mga lupain ay may kabuuang sukat na 150.5047 ektarya, ay matatagpuan sa Barangay Hawaiian, Hda Dacudao, Hda. Cabungahan at Hda. Cabungahan; Barangay E. Lopez, Silay City.
Ang aktibidad ay naaayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng liderato ni DAR Secretary Conrado Estrella III, na mabigyan ng lupain ang mga mgasasakang walang lupa.
Ayon kay Clytemnestra Refugio, Municipal Agrarian Reform Program Officer, na ang mga ARB ay kinikilala ng mga landowner ngayon dahil sa tinanggap nilang titulo ng lupa.
“Congratulations to all of you. May this land improve the quality of your life and let us work hand in hand to improve your landholdings for it to produce a good harvest,” ani Refugio.
Idinagdag pa ni Refugio na ang DAR ay may mandato na isailalim ang mga pampubliko at pampribadong lupang agrikultural para maipamahagi sa mga nangungupahang magsasaka, manggagawang bukid at iba pang magsasaka na kwalipikadong maging ARB. Ang patunay bilang nagmamay-ari ng lupa ay ibinibigay sa pamamagitabn ng CLOA na sumasakop sa isang (1) parsela ng lupa na aabot hanggang tatlong (3) ektarya bawat ARB.
Sinabi niya na ang DAR ay patuloy na tutulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilan ng kinakailangan nilang suportang serbisyo. Santi Celario
221 magsasaka sa NegOcc, tumanggap ng titulo ng lupa
Source: Filipino Pinoys
221 magsasaka sa NegOcc
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
tumanggap ng titulo ng lupa
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento