Marco
Marco tanggap ang pagiging single parent ni Cristine!

Manila, Philippines – Tila seryoso na nga ang nadaramang pagmamahalan nina Marco Gumabao at Cristine Reyes dahil madalas na silang nakikitang magkasama at ayaw na nilang maghiwalay.
Proud na proud si Marco kay Cristine dahil sa interview ng actor ay sinasagot na niya ang mga tanong ng press tungkol sa GF.
Di tulad dati na wala itong comment kapag napag-uusapan ang kanyang lovelife, ngayon ay hindi na umiiwas si Marco bukod pa sa naka-flex ang aktres sa kanyang IG.
Tinanggap din ni Marco ang pagiging single parent ni Cristine.
Ayon sa actor, hindi lang daw girlfriend material si Cristine, wife material din daw ang aktres. Nakikita niya ang pagiging maasikaso nito at mapagmahal na ina sa kanyang anak sa kanyang dating asawa. Kaya hindi na kataka-taka kung sakaling si Cristine na nga ang babaeng pagkakasalan ni Marco.
Magkasundo ang dalawa sa maraming bagay at pareho rin ang kanilang personalities. Gerry Ocampo
Marco, tanggap ang pagiging single parent ni Cristine!
Source: Filipino Pinoys
Marco
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
tanggap ang pagiging single parent ni Cristine!
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento