2 kilabot na holdaper ng mga rider
2 kilabot na holdaper ng mga rider, nakorner sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang kilabot na holdaper na nanunutok ng baril at tumangay ng pera ng Lazada delivery boy sa lungsod ng Meycauayan.
Kinilala ni Bulacan Police director Relly Arnedo ang mga suspek na sina Jayson Empasis, residente ng Brgy. Caingin at Leonard Dela Cruz ng Kamagong Upper Bicutan, Taguig City.
Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon nitong Abril 27 sa naturang lungsod.
Ayon sa biktima, maghahatid siya ng parcel nang tutukan ng baril at kunin ang kanyang pera ng mga suspek na lulan ng Yamaha Mio Sporty motorcycle.
Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad itong rumesponde sa lugar kaya agad nahuli ang mga suspek.
Nahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso habang nakakulong sa himpilan ng pulisya na humuli sa kanila. Dick Mirasol III
2 kilabot na holdaper ng mga rider, nakorner sa Bulacan
Source: Filipino Pinoys
2 kilabot na holdaper ng mga rider
nakorner sa Bulacan
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento