9 na establisyimento
9 na establisyimento, sinuyod ng SSS sa proteksyon ng mga manggagawa

Bulacan – Siyam na establisyimento ang sinuyod ng mga opisyal ng Social Security System (SSS) Malolos branch sa kanilang isinagawang Run After Contributions Evaders (RACE) campaign sa lungsod ng Malolos.
Ayon kay Vice President Luzon Central 2 Division, Gloria Corazon Andrada, ang pagsasagawa ng RACE operation ay simultaneous nationwide sa buong SSS nitong Biyernes, Abril 28.
Dahil dito, tinungo nila ang kanilang mga target na establisimentong J Obar Multi-lines Distribution Corporation, Zen Ten Trucking and Hauling Sevices, Irizh Builders and Services, Inc., MTB8 Enterprises Co., Graceland 23 Inc., St. Anselm Business Development, 23 RML Builders Inc, V and L Beauty Salon at TLM Yema Buko Pie and Pasalubong na kapwa matatagpuan sa naturang lungsod.
Magalang na ibinigay ng mga opisyal sa mga employer ang kopya ng SSS Order mula sa Legal and Enforcement Group na nagsasabing ayusin ang kanilang obligasyon at magcomply sa loob ng 15 araw sa naturang sangay.
Sakaling hindi makapag-comply sa loob ng 15 araw ay padadalhan na sila ng demand letter, ayon naman kay Branch Head Malolos branch Francisco Lescano.
Sinasabing nasa 108 lokasyon sa buong bansa ay ginanap rin ang kaparehong operasyon.
Layon ng kampanya na maibigay ang sapat na proteksyon sa bawat manggagawang Filipino para sa oras ng pangangailangan nila gaya ng pagpapagamot, unemployment, maternity, retirement at iba pang prebilihiyo. Dick Mirasol III
9 na establisyimento, sinuyod ng SSS sa proteksyon ng mga manggagawa
Source: Filipino Pinoys
9 na establisyimento
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sinuyod ng SSS sa proteksyon ng mga manggagawa
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento