Tubig sa NCR sapat sa kabila ng pagbaba ng antas sa dams – MWSS

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroong sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila kahit bumaba ang antas ng tubig sa mga dam dahil sa tag-init.

Ayon kay MWSS Manager for Field Operations Jose Escoto Jr., normal pa rin ang antas ng tubig sa mga dam sa bansa at ang mga pagkaabala sa serbisyo sa ilang bahagi ng National Capital Region ay dahil sa mga pagkakabitin sa pagkumpuni.

Gayunpaman, humiling ang MWSS ng karagdagang suplay ng tubig mula sa Angat Dam sa National Water Resources Board (NWRB) bilang paghahanda sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam.

Saad ni Escoto, “ina-anticipate natin na La Mesa Dam will go down further. So ‘yan po para hindi natin ma-repeat yung event noong 2019… We decided to request in advance itong filling up.” RNT



Tubig sa NCR sapat sa kabila ng pagbaba ng antas sa dams – MWSS
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento