Lolo arestado sa panggagahasa sa apo
Lolo arestado sa panggagahasa sa apo

STO. TOMAS, Batangas- SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos madakip ng mga awtoridad makaraan tatlong beses gahasain ang sarili nitong apo na 3-anyos na batang babae, nitong Linggo sa bayang ito.
Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Sto. Tomas, Batangas Police station ang 42-anyos na suspek na hindi pinangalanan at residente sa nasabing lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rodel Ban-o, hepe ng Sto. Tomas Batangas –PNP, naganap ang panggagahasa ng suspek sa loob ng kanilang bahay noong Easter Sunday habang abalang nagtitinda ng kandila ang ina ng bata sa simbahan ng nasabing bayan.
Sinabi pa ni Ban-o na tatlong beses na ginawa ng suspek ang panggagahasa sa biktima sa tuwing iniiwan ito ng kanyang ina para maghanapbuhay.
Sa himpilan ng pulisya, inamin naman ng suspek ang pambababoy ng ginawa nito sa kanyang sariling apo at humihingi ng kapatawaran.
Nanindigan naman ang ina ng bata na hindi nito mapatawad ang suspek sa ginawa sa kanyang anak.
Nahaharap ngayon sa kasong Statutory Rape ang suspek at hindi pinayagan ng korte ng magpiyansa./Mary Anne Sapico
Lolo arestado sa panggagahasa sa apo
Source: Filipino Pinoys
Lolo arestado sa panggagahasa sa apo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento