Higit P6.8M ‘shabu’ nasamsam sa Taguig buy-bust

MANILA, Philippines- Nadamba ng mga awtoridad ang isang high-value target na nasamsaman ng P6.8 milyong halaga ng droga sa buy-bust operation sa Taguig City.

Batay sa ulat nitong Huwebes, ikinasa ang operasyon sa Arca Compound ng lungsod kung saan naaresto ang suspek na si alyas “Baby.”

Subalit, hindi sumipot ang target at sa halip, ang nagtungo sa pinag-usapang lugar ay ang courier na si Jun Mark Salonga.

Nasabat kay Salonga ang higit-kumulang isang kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon, na binili ng mga pulis na nagpapanggap na buyer mula kay “Baby.”

Napag-alaman na si Salonga ay isa ring high-value target ng Pateros Police dahil sa pagtutulak.

“May grupo po ito. ‘Pag ganito kalaki may grupo ito. So, yan ang ating inaalam,” pahayag ni Police Colonel Kirby John Kraft ng Sourthern Police District.

Nahaharap si Salonga sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. RNT/SA



Higit P6.8M ‘shabu’ nasamsam sa Taguig buy-bust
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento