Philippines news
Tila tele-serye remark ni Remulla sa Degamo case inisnab ni Topacio

MANILA, Philippines – Ayaw nang pansinin ng kampo ni 3rd District Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. ang mga pinakahuling paratang ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon sa abugado ni Teves na si Atty. Derdinand Topacio, aantayin na lamang nito ang anumang kasong isasama laban sa kanyang kliyente at dito aniya, sa isang proper forum sila sasagot.
Giit ng abogado hindi sa opinyon ng publiko ibina-base kung nagkasala ang isang indibidwal o isa itong inosente.
Mas mabuti ayon kay Topacio na bigyang pansin ang ginagawang paglabag ng DOJ, NBI at PNP sa basic constitunional rights ng mga detinadong indibidwal kung saan inililipat ang mga ito sa ibat ibang lugar sa bansa ng labag sa kanilang kagustuhan at hindi nabibigyan ng karapatan na makausap ang kanilang mga abogado.
Sinabi ni Remulla, ang pamilya nagsabi din nakaraan na “fugitive” si Teves at biglaang binawi din, ay sinabi kaninang maaga na si Teves anya ay exercutive o producer ng Degamo slay case.
Ito naman ay mabilis ginawang katatawanan ng mga Netizens na tila daw tele-serye ang ginagawa ni Remulla sa pagdiin kay Teves.
Naniniwala ang kampo ni Teves na ang lahat ng paratang dito ay lalabas na gawa-gawa lamang ng ilang mataas na tao na mali ang pinararating sa Pangulong Bongbong Marcos. RNT
Tila tele-serye remark ni Remulla sa Degamo case inisnab ni Topacio
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
Tila tele-serye remark ni Remulla sa Degamo case inisnab ni Topacio
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento