Farmers’ coop sa NoCot
Farmers’ coop sa NoCot, nakatanggap ng P1.8M traktora

MANILA, Philippines – UPANG palakasin ang repormang agraryo ng pamahalaan, isang agrarian reform beneficiaries’ organization (ARBO) sa North Cotabato ang nakatanggap ng Php 1.873-million na halaga ng 4-wheel drive tractor mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) para palakasin ang kanilang mga aktibidad pang-kabuhayan.
Ayon kay Rutchil Omadle, Upper Baguer Credit Cooperative (UBCC) Chairman, na malaki ang maitutulong sa mga kasapi at ng rice farming community sa kanilang lugar ng farm machine na ipinagkaloob ng DAR.
“Ang pagkakaroon ng traktora ay makatutulong sa samahan na magkaroon ng mas malaking kita sa pamamagitan ng pagse-serbisyo sa kabuuang 80.1 ektarya na pag-aari ng kasapi ng ARBO, gayundin ang iba pang lugar sa mga kalapit na barangay,” aniya.
Idinagdag pa ni Omadle na sila ay nakatuon upang mas tumagal ng mas mahabang panahon ang proyekto at makamtan ang layunin nito.
Sa press release ng DAR, ang 35-horse power na traktora ay naipatupad sa pamamagitan ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program ng ahensiya na naglalayong mapalakas ang produktibidad sa agrikultura ng agrarian reform communities upang maka-adapt tungo sa pagbabago-bago ng klima.
Sinabi ni Atty. Milagros Isabel Cristobal, DAR Undersecretary for Support Services Office, na ang farm mechanization ay binibigyang prayoridad ng ahensiya habang ang administrasyon ay naglalayon din patungo sa food security ng bansa.
“Inaasahan na ang makinarya ay magpapalakas sa negosyo ng bigas ng kooperatiba, na makatutulong upang matugunan ang seguridad sa pagkain at mapataas ang income generation activity ng ARBO,” aniya.
Kaugnay nito, kasama ni Cristobal sa turn over ng makinarya sina Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, Regional Director Mariannie Lauban-Baunto, at iba pang opisyal ng DAR at lokal na pamahalaan.
Ang probisyon ng makinarya para sa UBCC ng Pigcawayan, North Cotabato, ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang mga aktibidad pangkabuhayan. Santi Celario
Farmers’ coop sa NoCot, nakatanggap ng P1.8M traktora
Source: Filipino Pinoys
Farmers’ coop sa NoCot
nakatanggap ng P1.8M traktora
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento