Papua New Guinea sapul sa M-7.0 na lindol

PAPUA NEW GUINEA – Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang East Sepik Province sa northern Papua New Guinea nitong Lunes, Abril 3 ayon sa U.S. Geological Survey.

Ang sentro ng lindol ay may layong 700 kilometro hilagang-kanluran ng Port Moresby at tumama bandang 4:04 ng madaling araw.

May lalim itong 62.6 kilometro.

Sa ngayon ay hindi pa batid kung may nasaktan ba o napinsala sa nangyaring lindol.

Samantala, wala namang banta ng tsunami ayon sa Pacific Tsunami Warning Center sa Hawaii. RNT/JGC



Papua New Guinea sapul sa M-7.0 na lindol
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento