Dating solon abswelto sa graft

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Korte Suprema si dating Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. sa kasong graft matapos mabaligtad ang hatol ng Sandiganbayan.

Sa 29 na pahinang resolusyon noong Enero 23, 2023 ay binaligtad ng SC Second Division ang naunang desisyon ng Sandiganbayan Sixth Division noong 2020 kung saan hinatulan si Floirendo dahil sa diumano’y hindi makatarungang pagkakaroon nito ng financial interest sa Tagum Agricultural Development Co. Inc. (TADECO), isang pribadong kompanya na pag-aari ng pamilya nito kung saan pumasok ito sa isang kasunduan o joint venture agreement (JVA) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Kinatigan ng Kataastaasang Hukuman ang argumento ng dating kongresista dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya na magpapatunay na nilabag nito ang Section 3 (h) of RA 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Law.

Ito ay matapos mabigo ang prosekusyon na mapatunayan na si Floirendo ay tumanggap ng financial benefit mula sa 2003 JVA habang siya ay miyembro ng malaking Kapulungan ng Kongreso ay gumamit ng impluwensya para sa 2003 JVA.

“Failure to prove these requirements, the prosecution fails to overcome the accused’s presumption of innocence and his acquittal must necessarily follow. For these reasons, the instant Appeal is GRANTED. The Decision dated August 26, 2020 and Resolution dated January 22, 2021 of the Sandiganbayan are reversed and set aside. Accused-appellant Antonio R. Floirendo, Jr.· is ACQUITTED,” ayon sa resolusyon ng SC.

Si Floirendo ay kinasuhan ng Office of the Ombudsman dahil sa graft noong 2018 base na rin sa reklamo noong 2017 ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nanindigan ang mga prosecutors na labag para kay Floirendo na magmay-ari ng anumang financial interest sa JVA sa pagitan ng TADECO at Bucor na naganap noong Mayo 21, 2003 bilang miembro ng Kongreso.

Matatandaan na base sa mga dokumento ay nagkaroon ng panibagong JVA noong 2003 para sa susunod na 25 upang ang lupain na pag-aari ng BUCOR ay matamnan ng sagingan ng TADECO.

Sa panahon ng mga pagdinig ay inamin ni Floirendo na siya ay nagmamay-ari sa 75,000 shares ng TADECO subalit ito aniya ay katumbas lamang ng 0.89 percent ng kabuuang capital stock ng kompanya, bukod pa sa ginawang pag-amin ng kongresista na hawak niya ang 537,950 shares ng Anflo Management and Investment Corporation (ANFLOCOR) na komokontrol sa 56% ng TADECO. Meliza Maluntag



Dating solon abswelto sa graft
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento