Azurin aminado sa pagbaba ng morale ng PNP sa alegasyon ng drug cover-up

MANILA, Philippines – Aminado si Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na bumaba ang morale ng mga tauhan ng ahensya kaugnay ng nagpapatuloy na isyu ng illegal drug cover-up.

Sa kabila nito, nagpaalala naman si Azurin sa 228,000 na tauhan nito na dapat pa rin nilang ipagpatuloy ang mandato nila sa bansa at sa mga mamamayan.

“Alam mo, I was listening to Eli Cruz kahapon, sabi niya: alangan naman sabihin ko na high morale? Ito ang current state of the PNP right now,” ani Azurin kasabay ng press briefing sa Camp Crame.

Ang tinutukoy niya ay si PNP Investigation and Detective Management Director Maj. Gen. Eliseo Cruz.

“So ang sentiment ng [pulisya], bagama’t low morale sila … they should not be distracted, they should continue to work,” dagdag pa niya.

Nagsimulang bumaba ang morale ng pulisya nang ilantad ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang di-umano ay pagtatangka na itago ang pinakamalaking drug buy-bust at pagkakaaresto kay dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo noong 2022.

“How do I interpret this? These are opportunities,” ani Azurin.

“‘Yung lahat ng putik na ibinabato sa amin, these are opportunities na nagsasabi na kailangan pa natin i-improve ang performance ng Philippine National Police,” dagdag niya. RNT/JGC



Azurin aminado sa pagbaba ng morale ng PNP sa alegasyon ng drug cover-up
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento