Philippines news
Rider pisak sa trak

BACOLOD CITY- PISAK ang isang rider matapos pumailalim at magulungan truck kahapon ng hapon sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si John Patrick Biantan, 33-anyos, at residente ng Barangay Zone 7, Talisay City, habang hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Mitsubishi Fuso Fighter Truck na si Ramil Saltillo, 56-anyos, ng Barangay Sagasa, Bago City.
Batay sa report ng Bacolod Police Station 3, bandang 12:40 PM ng Sabado naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Banago, ng nasabing lungsod.
Ayon kay Police Staff Sergeant Richard Demala, traffic investigator ng Bacolod Police Station 3, sa pagresponde nila sa naturang lugar naabutan na lamang nila ang biktima na naliligo sa sariling dugo at nasa ilalim ng truck kasama ang kanyang motorsiklo.
Agad naman isinugod sa ospital ang biktima ng mga tauhan ng Talisay Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.
Sa pahayag ni Saltillo, minamaneho niya ang truck na bote ng mga kargang bote at mag-u-turn sa nasabing kalsada ng hindi niya mapansin ang biktima na sakay ng motorsiklo at nagulat na lamang siya ng makarinig na malakas na kalabog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente at hinihintay ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban sa suspek./Mary Anne Sapico
Rider pisak sa trak
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Rider pisak sa trak
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento